NANAWAGAN si Commission on Election (COMELEC) lawyer, Atty. Gary Bonifacio na “great grand nephew” o pamangkin ni Andres Bonifacio na baguhin at isulat ng tama ang naging bahagi sa kasaysayan ng naturang bayani ng Pilipinas at sinabing siya ang dapat ituring na unang pangulo ng bansa at hindi si Emilio Aguinaldo.
Ang great grandfather o lolo umano ni Atty. Bonifacio na si Procopio ay kapatid ng naturang bayani na tinatawag niyang si “Gat Andres.” Nagpahayag si Atty. Bonifacio ng kanyang saloobin hinggil dito sa isang forum sa Kamuning Bakery na itinaon sa Bonifacio Day ngayong Nobyembre 30 na ika 168th kaarawan ng naturang bayani.
Sinabi ni Bonifacio na tanging si Gat Andres lamang ang bayani ng bansa na ang holiday ay nakabase sa araw ng kanyang kapanganakan ng 1863, at hindi tulad ng ibang bayani na ang mga holidays ay nakabase sa death anniversary.
Iginiit ni Atty. Bonifacio na sa mga bagong dokumentong lumabas na lalo na ng 2014-2015 itinuring na ang Katipunan na pinamumunuan ni Andres Bonifacio na isang revolutionary government na at hindi na secret society, at ito ay kinilala ng pamahalaan ng Espana na sumakop sa Pilipinas ng mga panahong yaon.
Ayon kay Atty. Bonifacio, lumabas sa mga naturang dokumento na galing sa mga record ng mga Kastila sa mga taong 1896, itinuring na hindi na secret society ang Katipunan na naghimasik laban sa mga mananakop na dayuhang Espanyol. “Kundi revolutionary government.Isinulong na yan.Meron ng revolutionary government si Andres Bonifaco bago pa ang Republika ni Emilio Aguinaldo.so kung titingnan natin sa kasaysayan at pag aaralan, lumalabas na itong revolutionary government.
“Pwedeng ituring si Andres Bonifacio n unang pangulo ng bansa dahil sa first revolutionary government ng pamahalaang PIlipinas,” sabi ni Atty. Bonifacio.
Isinusulong din umano ng mga kaanak ni Andres Bonifacio na magkaroon ng museum na tututok lamang sa kanyang mga naiwang mga aral at mga bagay sa kanyang buhay at nagawa bilang bayani at mas pinipili nila na sa lungsod ng Maynila maitatag ito dahil sa siya ay nanirahan dito. “Kung may Bonifacio museum, mas lalalim pa ang pag-aaral sa kanya.Base sa mga primary details.
Puwede po natin pwedeng ituring na first revolutionary government ng Philippines.Mas iigting at mas lalalim pa ang ang aaral tungkol sa kanya.
Kailangan maging accessible ito sa publiko, upang mas mapagtibay ang pag-aaral sa kanya.Lumalabas sa data ng 2014-2015 siya ang unang pangulo ng bansa.Dapat maitama ang kasaysayan,” ang sabi ni Atty. Bonifacio.
“In so far as Andres Bonifacio, it is his birthday.Kaya nga, tamang tama din po na tawag sa kanya, Andres Bonifacio,may pag asa. Meaning, may pag-asang umunlad, may pag asang maging malakas na bayan at may pa asang maging malakas na bansa. 168th death anniversary.Hinahamon pa rin tayo ni Andres Bonifacio na muli, pag- aralan, balikan.Sapagkat marami pa po tayong dapat malaman, at dapat matuklasan kay Andres Bonifacio, especially in the social media days.Marami na pong dokumento ang lumabas.Kung saan more than a thousand documents ng Spanish government ay nagiging accessible na po sa public. At ngayon pa lang uli natin nakikita yung panibagong perspektibo tungkol sa kanya at kanyang pagiging pinuno na siya pala ang dapat na pangulo..Based dito sa mga bagong dokumento.Inilalathala na ng Spanish government.So, ang hamon po natin sa lahat.Muli po nating balikan ang kasaysayan, ang buhay ni Andres Bonifacio.At mai apply ito sa kasalukuyang panahon,” ayon kay Atty. Bonifacio.
“Alam naman po natin na 1897 pinatay na si Andres Bonifacio. Ang nakalulungkot, namatay siya sa kamay ng kapwa niya Pilipino.Hindi siya namatay sa mga kamay ng mga dayuhan.So isang malagim, masakit na katotohanan na ang pumatay sa unang naglunsad ng rebolusyon laban sa pamahalaang dayuhan ay kapwa niya mga Pilipino.So yun ang pumatay sa kanya.At dahil po doon.Nagkaroon ng matinding takot sa mga pamilya na naiwan sa pamilay ni Andres.Kaya ilan sa amin nagpalit ng apelyido.Ilan sa amin nagtago sa probinsya.Ako po nung nag come out ako in the open as apo ni Andres Bonifacio. Kung hindi ako nagkakamali.That was 1992. Nag aral po kasi ako sa UP nang time na yun. Kumukuha ako ng kasaysayan.Isa sa naging project namin is either mag- iinterview ng sikat na personalidad.Or gagawa ng family tree.So ang ibinigay ko po gumawa ng family tree. So that was the first time na binanggit namin na family kami ni Andres Bonifacio.So imagine-in n’yo for 100 years,” sabi ni Atty. Banifacio.
Ang pagkamatay ni Bonifacio ay nabalot ng kontrobersiya nang siya ay kasuhan ng sedisyon ng partido ni Emilio Aguinaldo. Marami ang naniniwalang ang kanyang pagkamatay ay naayon na rin sa kagustuhan ng isa pang itinuring na bayaning si Emilio Aguinaldo ayon na rin sa assesment ng kanyang mga tagapayo.
Kinondena ng mga dalubhasa sa kasaysayan ang paglitis sa magkapatid na Bonifacio na hindi makatarungan lalo na ang pagbitay sa kanya. Itinuring umano ni Aguinaldo na malaking hadlang si Bonifacio na sumasalungat sa kanya dahil hinahati nito ang lakas ng mga rebelde sa himagsikan laban sa mga Kastila.
Kalaunan itinanghal sa kasaysayan si Emilio Aguinaldo bilang unang Presidente ng Republika ng PIlipinas.
Sa kabila nito, itinuturing pa rin si Andrés Bonifacio ng ibang historian na siyang tunay na unang presidente ng Pilipinas, at tinawag siyang third Supreme President. Subalit walang naging opisyal na naging deklarasyon ang bansa tungkol dito.
“May lumabas na picture ni Andres Bonifacio nakalagay presidente.Ibig sabihin yung pamahalaang Kastila ng panahong ‘yun kinikilala si Bonifacio bilang pangulo ng Republikang Tagalog (ibig sabihin Taga ilog),”sabi ni Atty. Bonifacio. Bonigyang diin ni Atty. Bonifacio na kinilala ng Kastila na mayroong Tagalog Republic na itinayo si Andres Bonifacio na unang gobyernong rebolusyonaryo ng mga panahong iyon.
“Dokumento na po nagsasabi .Huwag nating i’twist yung document.Huwag nating i-twist yung kasaysayan.Kung susulat tayo sundan natin ang mga datus ng ating kasaysayan.Kasi kung iti -twist mo yan, ayaw mo tanggapin yan.Para mo na ring sinasabing ayaw ko tumanggap ng aking kamalian sa kasaysayan. Kaya nga po dapat itama uli natin.Pag aralan nang maging bukal at bukas sa lahat.