MATAGAL na ring wala si Rey Valera sa Tawag ng Tanghalan ng It`s Showtime bilang punong hurado. Ang sabi ay may commitment daw ang seasoned singer/composer sa ibang bansa at tila matatagalan pa raw bago ito bumalik sa show.
Pero ano itong nakarating sa amin na kesyo nabuwisit daw diumano si Rey sa isang kasamang hurado sa Tawag ng Tanghalan dahil sinalungat nito ang kanyang hatol nang i-gong niya ang isang contestant.
Ayon sa source, hindi raw nagustuhan ni Rey ang naging comment ng kasamang hurado nang sabihin na hindi raw dapat na-gong ang natanggal na contestant.
Para raw pinalalabas ng kasamang hurado ni Rey na mali ang naging desisyon niya, eh, siya (Rey) ang punong hurado that day kaya dapat lang irespeto ang kanyang naging hatol sa contestant.
Ayon pa sa source, tila ayaw na raw bumalik ni Rey bilang punong hurado sa Tawag ng Tanghalan kung makakasama pa nito ang naturang hurado.
Clue, babae ito at kahit matagal na itong kumakanta ay madalas pa rin daw itong mawala sa tono kapag kumakanta. (PAANO NAGING HURADO KUNG SINTUNADO RIN PALA?—ED)
Kaya masisisi ba ninyo si Rey kung mabuwisit sa naturang hurado na mali ang kanyang ginawang pag-gong sa isang contestant ng Tawag ng Tanghalan?
Hindi ba dapat na bigyan respeto ng mga hurado kung ano ang naging desisyon ng kanilang tumatayong punong hurado.
Well, abangan na lang natin kung babalik pa si Rey bilang punong hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It`s Showtime.
XIAN LIM ISASAMA ANG LOLA PARA MANOOD NG FILM NI SARAH G
AYON kay Xian Lim, isasama raw niya ang kanyang lola para manood ng Miss Granny na pinagbibidahan ni Sarah Geronimo.
Nakatitiyak daw si Xian na magugustuhan ng kanyang lola ang movie at baka raw maka-relate pa ito sa role na ginagampanan ni Nova Villa siyang lola sa nasabing pelikula.
Saka nagustuhan daw ni Xian ang ginawang treatment ng kanilang director na si Bb Joyce Bernal sa naturang movie.
Hindi naman itinatanggi ni Xian na pangarap din niyang maging isang director at makapagdirek ng sariling pelikula. At ma-tutupad na ito dahil may ginagawa na siya ngayon movie na isasali niya sa Cinemalaya 2019 na may pamagat na Tabon.
‘Yun nga lang ay ayaw pang sabihin ni Xian kung sino-sino ang mga artista makakasama sa cast ng pelikula.
Alam naman ng lahat na exclusive talent ng Kapamilya si Kim ng ABS-CBN at Star Cinema.
Well, sana nga ay maging isang mahusay na director si Xian Lim.
PAULO AVELINO KULANG SA ANGAS PARA SA ROLE NI GOYO
SANA tangkilikin ng mga Pinoy ang pagsasapelikula ng Goyo: Ang Batang Heneral na gagampanan ni Paulo Avelino dahil hindi biro ang naging budget ng movie para lumabas na makatotohanan ang bawat eksena.
Ang naturang movie ay umabot daw ng seven months para matapos ang kabuuan ng pelikula.
Kasosyo rin sa movie si Paulo at sana nga ay maging successful din ito sa takilya oras na ilabas na ito sa mga sinehan.
Pero ngayon pa lang ay may naririnig na kami na baka raw mag-flop sa takilya ang movie dahil di raw bagay kay Paulo ang role na Batang Heneral na Goyo.
Dapat raw gumanap sa role ni Goyo ay ‘yung may angas ang dating at hindi yung parang malamya ang kilos at pananalita.
Dapat daw ay tulad ni John Arcilla ang gumanap dahil bukod sa maangas ang kilos at pananalita ay matapang ang dating at mabagsik ang pananalita ni John at hindi ito malamya.
Comments are closed.