RFID: IMPLEMENT OR ELIMINATE

Dapat bang pagmultahin ang motorists walang RFID o kulang ang load sa pagdaan sa mga tollways? Ito ang idiniin kamakailang ni Lawyers for Commu­ters’ Safety and Protection (LCSP) founder and chairman Atty. Ariel Inton.

Aniya, tutol ang maraming mambabatas na ipatupad ang DOTR LTO TRB Memoranfum circular 2024-01 na nagpapataw ng multa sa mga motoristang walang RFID load o insufficient balance, na sa mga dadaan sa tollways.

Ipatutupad sana ito simula August 31, 2024 ngunit ipinagpaliban muna hanggang October 1, 2024 upang mabigyan umano ng panahon ang LTO na i-dissiminate ang kaitusan. Ayon sa tatlong ahensya, kailangang ipa­tupad ang JMC 2024-001 upang mabawasan ang traffic sa tollways.

Anila, nakaka-traffic sa tollways dahil insufficient ang load pero sa RFID lane dumadaan.

Hindi tanggap ng mga mambabatas ito ang kautusang ito, dahil ang reklamo umano ng mga motorista ay ang palpak na technology ng RFID. Kadalasan umano ay hindi agad nababasa ng sensors ang kanilang RFID, at kinakain ang load kahit hindi ginagamit.

Mabagal din umano ang pag-angat ng barriers, walang interoperability ang autosweep at easytrip at marami pang reklamo. Mas ito umano ang nagiging dahilan ng traffic kesa kakulangan ng RFUD load.

Pinuna nanan ng mga kongresista ang kakula­ngan ng public hearing hinggil dito. Sobrang taas umano ng multa.

Ayon kay BH Party­list Rep. BH Herrera, masasabing unnecessary burden ang RFID sa mga motorista dahil hindi naman ito nagagamit ng maayos.

Paliwanag naman ni LTO chief Vigor Mendoza, “LTO is evaluating the feasibility of either fully implementing or eliminating the RFID”.

Ayon naman Kay Inton, hindi tutol ang LCSP sa pag gamit ng RFID ngunit dapat pa ring panatiliin ang cash lanes. Hindi umano lahat ng dadaan sa tollways ay araw-araw dumadaan, at hindi magiging praktikal kung mayroon silang RFID na hindi ginagamit ngunit nauubos ang load.

Dapat umano ay may option na magbayad ng cash ang mga moto­rista kung wala syang RFID o kaya naman ay kulang sa load .

Dagdag pa ni Inton, hindi makatarungang pagmultahan ng libo-libo ang motorista kahit Wala namang nilang na traffic rules.

RLVN