RHIAN RAMOS AT ANDRE PARAS TINAWANAN LANG ANG TSISMIS NA MAY ‘SOMETHING’ SILA

TINAWANAN na lamang ng dalawang Kapuso stars na sina Rhian Ramos at Andre Paras na mayshowbiz eye ‘something’ between them.

Kabi-break lamang ni Rhian sa kanyang car racer boyfriend at na-link naman siya kay Jolo Revilla, nang magtambal sila sa pagbabalik-production ng Imus Production na #72.  Pero alam mo namang hindi totoo dahil nga magkatambal sila sa movie na pinamamahalaan ng magkapatid na Jolo at Bryan Revilla.  Nabalita pa noon na si Rhian daw ang dahilan ng break-up nina Jolo at girlfriend na si Jodi Sta. Maria.  Pero wala ring katotohanan dahil hindi pa naman parehong umaamin sina Jolo at Jodi na hiwalay na sila talaga.

Madali lang kasing nag-conclude ang mga nakakita sa kanila ng closeness nila raw during the 60th anniversary ng GMA 7 na ginanap sa Manila Polo Club.  Parehong sweet person itong sina Rhian at Andre, na feel nila friends lahat ng mga tao.

Madali namang nag-react si Rhian na natatawa: “I’m a huge fan of Andre, dahil kayang-kaya niyang gawin kahit anong ipagawa sa kanya, acting, hosting, magpatawa” na nakikita naman ng mga manonood sa mga TV show niya like sa “Sunday PinaSaya.”

Si Andre naman, para sa kanya si Rhian ay “one of the adorable funny people in showbiz.” Wala rin kasing kaarte-arte si Rhian sa katawan niya.

Sa ngayon, busy si Rhian sa paggawa ng movies, habang naghihintay siya ng next project niya sa GMA Network after ng romcom series nilang “The One That Got Away” nina Dennis Trillo, Lovi Poe, Max Collins, Jason Abalos at Ivan Dorschner.

Si Andre naman bukod sa “Sunday PinaSaya,” kasama si Joyce Pring ay nagbibigay ng updates sa singing talent search na “The Clash” every Saturday and Sunday sa GMA-7 na hosted ni Regine Velasquez-Alcasid at mga judge na sina Christian Bautista, Lani Misalucha at Ai Ai delas Alas.

EDGAR ALLAN GUZMAN SUNOD-SUNOD ANG PROJECT

EDGAR ALLAN GUZMANTHANKFUL si Edgar Allan Guzman, dahil after ng “Pinoy Beauty” para sa coming Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), may bago muli siyang movie na gagawin, ang remake ng “Gulong ng Palad” na ididirek ni Laurice Guillen para sa CineKo.

Magiging bagong Luisa si Jodi Sta. Maria at ang bagong Carding ay si Gabby Concepcion.  Makakasama rin nila sina Amy Austria, Ina Feleo, Denise Laurel, Frances Magundayao, Angel Ulep at si Edgar Allan.

In 2006, ginawang teleserye ang “Gulong Ng Palad” na nagtampok kina Kristine Hermosa at TJ Trinidad for ABS-CBN.

Bale magiging reunion ito nina Direk Laurice at Gabby na unang nagkasama sa afternoon prime drama series sa GMA 7, ang “Ika-6 na Utos.”  Makakasabay namang gawin ni Direk Laurice ang movie at ang bago niyang TV series na “Ika-5 Utos” na magtatampok kina Jean Garcia at Gelli de Belen.

BASHERS WALANG TIGIL SA PAGGAWA NG KUWENTO

WALANG katigil-tigil ang mga basher sa paggawa ng kuwento na may mga eksena raw sa “Victor Magtanggol” na may mga kissing scene daw si Alden Richards kay Andrea Torres at kung ano-ano pa. Bakit ba hindi muna sila maghintay ng airing nito sa Lunes, Hulyo 30, para malaman nila kung totoo ang mga ikinukuwento nila?

Comments are closed.