RHIAN RAMOS, SARILING SIKAP PARA ‘DI MAGING MALAMIG ANG KAPASKUHAN

rhian ramos

LITERAL na super malamig ang Kapaskuhan ngayon para sa Kapuso sexy young actress na si Rhian wallfaceRamos. Una sa lahat ay wala siyang boypren na puwedeng magpa-init ng kanyang mga malalamig na gabi, as in loveless siya ngayon. Pangalawa sa isang malamig na bansa magpa-Pasko si Rhian, kung saan ay may snow during Holiday Season, sa New York at ang huli ay first time na hindi makakasama ni Rhian ang kanyang pamilya ngayong Pasko. Umalis kasi ng bansa si Rhian upang mag-aral ng dalawang acting short courses na kinuha niya sa naturang bansa. Ani ni Rhian, alam niyang malulungkot siya sa araw ng Pasko dahilan sa malayo siya sa kanyang pamilya pero iisipin na lang daw ng actress na minsanan lang daw ito at sa susunod na Holiday Season ay balik na naman siya sa dating gawi, Christmas with Family. Pero sa kabila ng kalungkutan na ito ay positibo pa rin ang pananaw ni Rhian sa pagsasabing kahit may takot at lungkot siya sa kauna-unahang pagkakataon na bumiyahe na walang kasama, ay para rin daw sa sarili. Marami siyang matutunan na mga bagay lalo na may kinalalaman sa kanyang showbiz career at sinisiguro ni Rhian na sa kanyang pagsasari­ling sikap ay isang better version niya raw ang ba­balik sa Filipinas next year.

BIANCA BALIK KAY MIGUEL, RURU BALIK KAY KYLIE

bianca and ruruMAINIT man ang isyu ngayon sa pagitan ng tambalan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, sa pagpasok sa eksena ni Ruru Madrid ay tsikang nagkakamabutihan na nga sina Ruru at Bianca dahilan na rin sa mga larawan kung saan ay masaya silang magkasama at kanilang pinopost sa social media account. Sa pagpasok ng bagong taon, hindi sina Ruru at Bianca ang magkasama sa kanilang unang teleseryeng gagawin sa GMA7, balitang plantsado na ang teleseryeng pagsasamahan muli nina Bianca at Miguel after ng kanilang “Kambal Karibal” samantalang si Ruru naman ay balik sa kilig na tambalan nila ni Kylie Padilla, sila ang magkalabtim sa te­leseryeng “Encantadia” na kinakiligan naman ng mga viewers. Tsikang isang romantic comedy ang gaga­wing teleserye ng dalawa na may tentative working title na “TODA One I Love”, kung saan isang tricycle driver ang role ni Ruru. Sa ngayon palang ay marami nang mga KyRu ang excited na mapanood muli ang dalawa. Tsikang next year na sisimulan ang teleserye, pahinga muna si Kylie pagkatapos ng kasalan nila ng live-in partner niyang si Aljur Abrenica ngayong buwan ng Disyembre.

Comments are closed.