RICAFORT BAGONG HEAD COACH NG PLDT

MAY bago nang head coach ang PLDT High Speed Hitters sa katauhan ni Rald Ricafort.

Pinalitan ni Ricafort si George Pascua, ang veteran mentor na gumabay sa PLDT ng isang season.

Ayon sa koponan, makakasama ni Ricafort si Arnold Laniog bilang lead assistant sa pagsisikap ng Hitters na magpalakas sa nalalapit na season ng Premier Volleyball League (PVL).

Si Ricafort ay unang nagsilbing coach ng Petro Gazz na kanyang ginabayan sa 2022 PVL Reinforced Conference throne makaraang walisin ang Cignal sa kanilang title showdown sa likod nina import Lindsey Vander Weide at local stars Myla Pablo ar Remy Palma.

Si Ricafort din ang kasalukuyang head coach ng University of the Philippines men’s volleyball team at ang deputy para sa women’s volleyball squad ng eskuwelahan.

“We at PLDT are excited to work with a young champion coach in Coach Rald,” sabi ni PLDT/SMART Head of Sports Jude Turcuato.