MAS pinalawak ng National Irrigation Administration (NIA) ang suporta nito sa mga magsasaka sa Zamboanga Peninsula sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang strategic rice contract farming.
Sa ilalim nito, direktang susuportahan ang 25 irrigators associations sa rehiyon sa layuning mapalago ang lokal na produksiyon at kita ng mga magsasaka.
Kabilang dito ang P50,000 halaga ng support package gaya ng farm inputs, binhi at pataba.
Magiging prayoridad din sila sa suporta ng pamahalaan sa mechanization, transportation, at iba pang production technologies.
Kaugnay nito, matapos lumagda sa MOA ang 25 IAs para sa implementasyon ng Rice Contract Farming program, nagsimula na rin ang paghahanda ng mga ito para makapagtanim ng high-yielding rice varieties ngayong Mayo.
Matapos naman ang harvest, bibilhin ng NIA ang 5 metriko toneladang palay sa bawat irrigators association.
PAULA ANTOLIN