PINAALALAHANAN ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ang mga rice farmer na mahigpit na bantayan ang kanilang mga taniman mula sa mga peste na karaniwang umaatake tuwing tag-ulan.
Ang babala ay sa harap ng findings ng Pest Risk Identification and Management (PRIME) Project, isang pangunahing inisyatiba sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) na naglalayong mapangalagaan ang mga pananim at maiwasan ang malaking pagkalugi.
Binigyang-diin ni Leonardo V. Marquez, PhilRice crop protection expert, ang kahalagahan ng mahigpit na pest monitoring, lalo na tuwing tag-ulan kung kailan kaaya-aya ang kondisyon sa paglaganap ng mga peste.
“Unmanaged infestations can lead to yield losses of 15% or more. Early detection and management are needed,” sabi ni Marquez.
Tinukoy ng PRIME Project, base sa komprehensibong survey na isinagawa sa nakalipas na limang taon sa 53 lalawigan, ang top five pests na nagbabanta sa rice crops: brown spot, deadheart, leaf blast, sheath blight, at whitehead.
Ang pagsusuri ay kinasangkutan ng 19 monitored pests kung saan lumabas sa datos na mas madalas at malala ang mga insidente ng peste tuwing tag-ulan.
Ang PRIME Project, sa ilalim ng Rice Program ng Department of Agriculture-Bureau of Agricultural Research, ay nakatuon sa pest management sa pamamagitan ng pag-assess sa outbreak risk factors, pagbuo ng mitigation strategies, at pagpapalakas ng partners’ capabilities sa remote sensing at pest risk mapping.