TARGET ng pamahalaan na maibaba pa sa P38 kada kilo ang presyo ng bigas sa ilalim ng Rice-For-All program, kabilang ang dalawang variety ng bigas, ngayong buwan.
Sisimulan na ring ibenta ang ‘Sulit’ at ‘Nutri’ rice sa ikalawang linggo ng Enero, ayon kay Agriculture Spokesperson at Assistant Secretary Arnel de Mesa.
“Mixed ito, coming from both imported rice at local products natin. Itong Sulit Rice and P35 to P36 kada kilo. Ito ay 100 percent broken. Kaya puwedeng itinda na mas mura. Kumpara doon sa well milled rice natin na normally 25 percent na broken lamang,” sabi ni De Mesa.
“Sa programang ito, ang Nutri Rice naman ay pass meal ng bigas. Brown rice ito. Ito ay may fibrous materials at may vitamins at minerals. Actually mas mataas ang milling efficiency nito kaya puwedeng ibenta hanggang sa P37 at P38 lamang,” ani De Mesa.
“Nasa 24 locations na rin ng pamilihan ang mga bigas na ito. Ibig sabihin, mga public market at saka apat na train stations. At saka plano natin ay lahat tayo sa Metro Manila market ay magkaroon na rin tayo ng Kadiwa ng Pangulo. Doon naman sa Kadiwa sa Pangulo Centers, nasa 170 tayo before the year ends. At by March, April nasa 300 iyan before the end of 2028 na may 1,500 na.
‘Yun nga,” sabi pa ni De Mesa.
Aniya, plano ng pamahalaan na marating pa ng Rice-For-All program ang ibang lugar sa bansa.
“itong Kadiwa ng Pangulo, ‘yung ating P29 tuloy-tuloy naman na nag-o-offer ng P29 kada kilo sa mga vulnerable sectors. Pero itong Kadiwa again, inuna natin ang Metro Manila. Pero susunod nga itong mga nakapalibot, Region III, Region IV A. ‘Yung sa ibang lugar. Tinitingnan kasi palagi natin paano magiging maayos pagdating sa ibang lugar. Para ma-lessen ang ating problema.”
Ang pinaka-distributor naman, aniya, ng Nutri Rice at Sulit Rice ang maghahalo sa local at imported rice, ang Food Terminal Inc.
Ipinahayag kamakailan ng DA ang pagbebenta ng dalawang mas mura at mas malusog na varieties ng bigas para sa mga Pilipino — ang ‘Sulit Rice’ at ‘Nutri Rice’ — bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na pababain pa ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.
Ma. Luisa Macabuhay- Garcia