IKATATAKOT ng rice hoarders ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) na lalansagin niya ang mga nasa likod ng rice cartels.
Ayon sa National Food Authority (NFA), marahil ay matatakot na ang mga nagtatago ng bigas na umano’y siyang sanhi ng “artificial” rice shortage.
Ayon kay NFA spokesperson Rex Estoperez, matagal nang isyu ang rice hoarding at rice cartel kaya panahon na upang ilantad ang mga taong nananabotahe sa ekonomiya.
Ani Estoperez, mas lalakas ang laban ng NFA kontra sa rice traders na nagmamanipula sa presyo ng bigas dahil kinampihan sila ng Pangulo.
Una nang inatasan ni Duterte ang mga intelligence agencies na hanapin kung sino-sino ang mga rice hoarder.
Hiniling din niya sa Kongreso na ipasa ang batas na makatutulong upang makaangkat ng maganda at murang bigas sa halagang P7 kada kilo. NENET L. VILLAFANIA
Comments are closed.