INAASAHANG magiging free for all na ang pag-angkat ng bigas sa sandaling maging batas ang Rice Tariffication Bill.
Ayon kay Senador Cynthia Villar, kinakailangan ng ganitong batas dahil obligado nang maging liberal ang pag-angkat ng bigas matapos mag-expire ang restrictions on importation of rice na bigay ng World Trade Organization.
Sa ilalim ng panukala, kahit sino ay puwede nang mag-import ng bigas subalit kailangang magbayad ng taripa na 35 porsiyento kung galing sa ASEAN countries ang bigas at mas mataas pa kung sa labas ito ng ASEAN magmumula.
Nakapaloob din dito ang 10 bilyong pisong Competitiveness Enhancement Fund kada taon para sa mga magsasaka ng bigas sa bansa.
“The government under the General Appropriations Act (GAA) hindi na bibilangin ang tariff but automatic na bibigyan nila ang rice farmers ng P10 billion a year for competitiveness, P5 billion will go to mechanization, P3 billion to improve their seeds a year, P1 billion for credit and P1 billion for training para ma-implement ang improvement of the seeds and mechanization,” saad ni Villar.
Bukod, aniya, sa mataas ang taripa sa imported na bigas, tinanggal na rin sa kamay ng National Food Authority (NFA) ang pag-angkat ng bigas at sa halip ay tututok na lamang ito sa pagbili ng lokal na ani ng mga magsasaka sa bansa.
Kumbinsido rin ang senador na mas mahihikayat na ang mga kabataan na magsaka dahil sa modernisasyon na dala ng Rice Tariffication Bill sa pagsasaka.
“This is the answer ma-aattract natin sila because they don’t have to work with their hands they are going to use machine to do it so timely na ang mechanization dahil nahihirapan na silang kumuha ng mga trabahador working with their hands, they go to alternative livelihood, mamimigay po ang gobyerno sa ating mga rice producing town ng mga machine,” dagdag pa ng senador.
Comments are closed.