NAKABAWI ang total rice inventory ng bansa hanggang noong Marso 1 mula sa six-month skid at tumaas ng halos 29 percent sa 2.182 million metric tons (MMT) sa gitna ng mas maraming stocks ng commercial traders, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Gayunman, sinabi ng PSA na ang pinakabagong rice stockpile ay mas mababa ng 18.42 percent sa 2.675 MMT na naitala noong Abril 2017.
Hindi naman binanggit ng PSA sa monthly rice inventory report nito ang ‘sufficiency’ ng pinakabagong stockpile data.
Karaniwang ibinubunyag ng PSA kung gaano katagal o kung ilang araw pa tatagal ang rice inventory ng bansa.
Gayunman, sinabi ng PSA sa BusinessMirror na ang total rice inventory ng bansa hanggang Abril 1 ay sapat para sa 64 araw. Ito ngayon ang pinakamataas na imbentaryo na naitala ng bansa sa loob ng tatlong buwan.
Ang total rice inventory ng Pilipinas noong nakaraang Marso ay sapat lamang para sa 50 araw.
Sa total rice stocks inventory noong Pebrero, may 63.04 percent ang mula sa houeholds, 36.39 percent sa commercial warehouses at 0.56 percent sa NFA depositories.
Ang total volume ng bigas na nakaimbak sa mga kabahayan sa reference period ay nasa 1.376 MMT, habang ang nasa commercial warehouses ay 794,380 MT.
“The NFA’s rice stockpile as of March 1 plunged to its lowest level in 38 years at a mere 12,240 MT. Bulk of the state-run grain agency’s bufferstock or about 79.69 percent were comprised of imported rice,” nakasaad sa report ng PSA. JASPER ARCALAS
Comments are closed.