RICE OUTPUT PALALAKASIN

NFA RICE-7

SINELYUHAN ng Department of Agriculture (DA) at ng International Rice Research Institute (IRRI) ang isang memorandum of agreement (MOA) upang mapaghusay ang produksiyon ng bigas sa bansa.

Positibo si Agriculture Secretary Manny Piñol na sa pamamagitan ng panibagong kasunduan ay mas magiging malakas ang rice industry at napapanahon, aniya, ang karagdagang tulong sa departamento.

“This is what our rice industry needs right now, to enable our Filipino rice farmers to compete in the global market. With the renewed alliance with IRRI, we are positive that we will improve our rice productivity,” saad ni Piñol.

Sinabi naman ni IRRI Director General Dr. Matthew Morell na handa ang kanilang institusyon na makipagtulungan sa DA para matulungan ang pamahalaan na mapaganda ang pag-aani sa iba’t ibang panig ng bansa.

“This (MOA) solidifies our commitment to work at technical and policy support for DA’s programs and initiatives like the Philippines rice industry roadmap, provide cutting edge research and development solutions that can contribute to improving the productivity, profitability and sustainability of the country’s rice value chain,” dagdag pa ni Morell na pinangunahan ang MOA signing sa tanggapan ng DA.

Napag-alaman na ang IRRI na nakabase sa Los Baños, Laguna ay nagsisilbing instrumento sa pagtuklas at pag-aaral ng iba’t ibang uri ng palay sa bansa, at nagiging katuwang para mas mapalakas ang research and development kaugnay sa industriya ng palay.    BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.