RICE PRICE CAP NI PBBM NAAPEKTUHAN ANG WORLD MARKET PRICE – ROMUALDEZ

BAHAGYANG  naapektuhan ang presyo ng bigas sa world market matapos pirmahan noong Biyernes ni Pangulong Marcos ang Executive Order (EO) 39 na nagtatakda sa presyo ng bigas sa bansa.

Ayon sa US based company na markets insider bumaba ng 21% ang presyo ng bigas sa pandaigdigang kalakalan mula $384 per metric ton noong Hulyo at ngayon ay nasa $332.4 sa bawat metrikong tonelada na lang.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, “timing at effective ang EO ng Pangulo dahil nakaapekto ito sa mataas na presyo ng bigas ngayon sa world market”.

Paniwala ni Speaker Romualdez maaring kinansela ng mga Filipino importers at traders ang pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa dahil nagmura na ang presyo nito sa lokal na merkado.

“Siguro nung kinansel na nila ( mga importers at traders) ang mga orders, biglang dumami tuloy ang stock sa abroad ng bigas”, ayon sa lider ng Kongreso.

Aniya, “obvious naman talaga na artificial ang pagsirit ng presyo ng bigas sa mga palengke natin dahil tinatago ‘yung mga bigas sa bodega as we have seen during our inspection”.

Ang Rice Price Cap ang tanging susi lang pala para pigilan ang price manipulation at hoarding ng bigas sa bansa na naging senyales naman sa world market, dagdag nito.

Sang-ayon naman si House Ways and Means Committee Chairman Cong. Joey Salceda na ang pag-angat ng presyo ng bigas sa world market ay artificial lamang dulot ng volume ng demand nito mula sa Pilipinas.

Ani salceda, “we have seen this crisis before and we know how to deal with it”.

“Pero we should not over-import para hindi i-anticipate ng mga kapitbahay nating bansa at tumaas ng presyo ng bigas”, dagdag pa ng Bicol Congressman.