RICE RETAILERS SA PASIG INAYUDAHAN

PATULOY ang pamamahagi ng ayuda ng pamahalaan lokal ng Pasig para sa mga rice retailer na tumatalima sa Executive Order no. 39 o ang pagtatakda ng price ceiling sa bigas.

Sa ikalawang pagkakataon dito sa Pasig City, tinatayang nasa 96 na rice retailer beneficiaries ang target na mabigyan ng tulong.

Isinagawa ang payout sa Tanghalang Pasigueño na nasa loob ng City Hall compound na nagsimula kahapon ng alas-9 ng umaga na tumagal ng alas-2 ng hapon.

Gaya ng dati, daraan sa ilang proseso ang mga benepisyaryo tulad ng initial screening, verification at payout kung saan kailangan lamang magpakita ng mga katibayan upang makatanggap ng P15,000 ayuda.

Ang payout ay sa inisyatiba na rin ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD gayundin ng Department of Trade and Industry.
ELMA MORALES