RICE SELF-SUFFICIENCY NG BANSA, MALABONG MAABOT SA RICE TARIFFICATION LAW

Agriculture Secretary Manny Piñol-3

INAMIN ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol na malabong maabot ang target ng pamahalaan na pagiging rice self-sufficient ng bansa.

Ito ay matapos na maisabatas ang Rice Import Liberalization Act na naglalayong payagan ang pagpasok sa bansa ng maraming imported rice.

Magkagayunman, sinabi ni Piñol na pananatilihin nila ang 93-percent rice self-sufficiency rate.

Magsisimula sa Marso 5 ang implementasyon ng Rice Tariffication Law na inaasahang magpapababa sa inflation rate.

Sa ilalim ng nasabing batas na papayagan na ang mag-import ng iba’t ibang grupo ng bigas na mag­reresulta sa mababang presyo nito sa pamilihan.

Sinabi rin ng pamahalaan bilang safety net ay titiyakin nilang mapapatawan ng tamang buwis ang mga papasok na bigas sa bansa.

Comments are closed.