QUEZON CITY – PARA kay AKMA Partylist Mikel Cida, unti-unti nang madadagdagan ang buffer stock sa bigas ng pamahalaan.
Partikular na tinukoy ni Cida na paghupa ng presyo ng bigas kung saan ang National Food Authority (NFA) rice ay inaasahang daragsa.
“Medyo hindi nararamdaman ang rice shortage kahit na ang population sa Mindanao ay halos pareho sa Metro Manila o NCR, ang Region 12 kung saan kabilang ang Cotabato na siyang rice bound ng Mindanao.”
Aniya, ang tanging adbokasiya ng AKMA-PTM ay makita ang halaga ng agriculture at tangkilikin ang produktong Pinoy kaysa imported.
Sinabi rin ni Cida na, “maaaring dahilan din ng epekto sa rice shortage ay ang lean period ng pangangalaga sa mga sakahan, kung saan minsan madaling masira ang palay lalo na kung pabago-bago ang panahon.
“Mga buwan ng Oktubre hanggang Pebrero ang lean months, kung saan mahina ang bigas dahil kulang ang supply ng tubig. ‘Pag maulan naman na panahon o papuntang Abril, magpapalit na ang panahon at mga pagkakataong hindi natin masasabi ang panahon.”
Dagdag pa ni Cida na nagkakaroon din ng duplication sa trabaho subalit dapat aniyang maging focus ang bigas at iba pang basic needs.
“Why I proposed this? Ang Filipino ay hindi marunong kumain ng root crops na maaaring pamalit sa bigas kung nataon man ang ganitong sitwasyon.”
Mungkahi rin ng AKMA PTM Partylist ang mababang presyo ng masaganang ani ng bigas Pilipino para sa Filipino. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.