RICE STOCKS INVENTORY BUMABA

TINATAYANG nasa 1.64 million metric tons ang kabuuang rice stocks inventory ng bansa hanggang Abril 1, 2024, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Bumaba ito ng 10.9 percent mula 1.84 million metric tons inventory sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Month-on-month, ang  volume ng rice stocks inventory ay nagtala ng  20.2 percent na pagtaas mula sa inventory na 1.37 million metric tons noong naunang buwan.

“This month’s rice stocks inventories registered annual decreases from the NFA depositories by 58.0 percent, from the commercial sector by 9.1 percent, and from the households by 7.6 percent,” ayon sa PSA.

Kumpara sa March 2024 rice stocks levels, naitala ang month-on-month increments mula sa households ng 35.0 percent, mula sa commercial sector ng 5.1 percent, at mula sa NFA depositories ng 0.7 percent.

Sa kabuuang rice stocks sa naturang buwan, 57.1 percent ang nagmula sa households, 40.3 percent sa commercial sector, at  2.5 percent mula sa NFA depositories.