HINILING ni Senadora Cynthia Villar sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na repasuhin ang panukala noong nakaraang taon na magbibigay ng bigas sa beneficiaries ng conditional cash transfer (CCT) program ng pamahalaan na bibilhin sa mga lokal na magsasaka.
“DSWD can help ease difficulties as we transition to the ‘tariffied’ rice importation regime by using its P28 billion rice subsidy under the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) to buy rice from local farmers,” ayon kay Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food.
Bukod sa health at education grants, tatanggap din ang 4Ps household-beneficiaries ng 20-kilo rice subsidy kada buwan. Subalit ang mga ito ay binibigyan ng cash sa halip ng bigas.
“Last year, this proposal was shelved because of logistical requirements. But I want them to take another look at this lalo na ngayon at naghahanap tayo ng paraan para matulungan ang mga magsasaka na maitawid sila sa transition phase ng rice tariffication law. Siguro kahit mahirap, gawin na natin kung ito ang makakatulong sa kanila,” ayon kay Villar.
Sinabi ng senadora, kung natuloy ang panukalang ito, meron na sanang merkado ang mga lokal na magsasaka para sa kanilang bigas.
“I hope, given our situation now, our government will be more receptive of this proposal as we wait for the full bene-fits of the rice tariffication law to be felt by the local industry,” sabi pa ni Villar.
Pinalitan ng Republic Act 11203, na naging epketibo noong Marso ng taong ito, ang quantitative restriction sa im-portasyon ng bigas na kinokole-tahan ng taripa para pondohan ang P10 billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Kabilang sa mga benepisyong makukuha ng mga magsasaka sa wastong pagpapatupad ng batas ay ang karagdagang ani at kita sa pamamagitan ng farm mechanization, produksyon ng inbred seeds, access sa murang pautang at sa pinaigting na kakayahan.
Noong nakaraang taon, inilatag ang plano kung saan magsusuplay ang mga magsasaka ng bigas sa 4Ps beneficiaries sa kanilang komunidad. Magiging available ang bigas sa Bigasan ng Bayan na bubuksan ng Department of Ariculture sa kanilang lugar para walang ng gastos sa pamasahe.
Isinusulong ni Villar ang CCT program na iniuugnay sa agrikultura gaya ng ginagawa sa Thailand.
“In Thailand, they require 6 million school children to drink 200 ml of milk every day, which brought up their dairy in-dustry,” ani Villar.
Umaasa si Villar na tututukan ng DSWD ang potensiyal na benepisyo nito sa mga magsasaka sa kabila ng logistical difficulties. VICKY CERVALES