APRUBADO na ng House Commit tee on Agriculture ang substitute resolution na layong gamitin ang pondo sa rice subsidy sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) napambili ng palay ng local farmers.
Ini-adopt ng komite na pinamumunuan ni Quezon Rep. Mark Enverga ang resolusyon na layong tulungan ang mga naluluging magsasaka.
Inaatasan ng resolusyon ang National Food Authority (NFA) at Department of Agriculture na bumili ng palay sa mga magsasaka upang makabawi sa malaking pagkalugi dulot ng pagbuhos ng murang imported na bigas sa ilalim ng Rice Tariffication Law.
Hinihiling din na ipamahagi sa mga benepisyaryo ng 4Ps at mga uniformed personnel ang aktwal na bigas sa halip na cash.
Si Deputy Speaker at ABONO Partylist Rep. Conrad Estrella III ang nagmosyon na aprubahan ang substitute resolution at iginiit ang agad na pagbibigay tulong sa mga kawawang local farmers.
Naunang inihain sa Kamara ang House Joint Resolution 16 ni Deputy Speaker Lray Villafuerte na pinapagamit ang pondong P29 Billion na pondo sa rice subsidy at habang P33 Billion naman sa ilalim ng House Resolution 322 ni House Majority Leader Martin Romualdez na pambili ng palay sa mga magsasaka. CONDE BATAC
Comments are closed.