INIHAYAG ng Department of Agriculture (DA) na ramdam na ng mga ordinaryong Filipino ang epekto ng rice tariffication law.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang ipinapakitang mabagal na galaw ng inflation rate sa nakalipas na buwan ay patunay na bumaba na ang presyo ng bigas sa merkado.
Magugunita na isinisi noon sa pagsipa ng inflation rate ang kawalan ng mabiling murang bihas ng mga mamimili.
Ani Dar, asahan na mas tatatag pa ang suplay at presyuhan ng bigas sa sandaling mapalakas ang hybrid rice farming at farming diversification.
Comments are closed.