RICE TARIFFICATION MAKATUTULONG SA MGA MAGSASAKA

Rep-Jose-Panganiban-Jr

ISABELA – PINAWI ni ANAC-IP Partylist Representative Jose Panga­niban, Jr, pangunahing may-akda ng rice tariffication bill ang pangamba ng mga magsasaka na makaaapekto ang nasabing panukala sa kanilang ekonomiya at sa halip ay malaki ang maitutulong nito.

Sinabi ni Panganiban na sa botong 200 yes, 7 no at  2 abstain ay pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang house bill 7735 o rice tariffication bill.

Ayon pa sa kongresista, sa period of amendments ay wala namang major changes o amandments sa rice tariffication bill.

Sa nasabing panukala ay magpapawalang bisa sa committment sa World Trade Organization (WTO) noong 1995 na kumokontrol sa pagpasok ng mga imported na bigas sa bansa sa pamamagitan ng volume restrictions ngunit nagpaso na ito noong 2017.

Kaya ang BB 7735 ay ang magiging kalutasan sa pagmahal ng bigas dahil ang imported nito ay mababa sa production cost na nagkakahalaga lang ng P27 kada kilo habang ang local production cost ay P34 kada kilo.   IRENE GONZALES

Comments are closed.