APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7753 o ang Rice Tariffication Bill na priority measure ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa botong 200 YES, 7 NO at 2 ABSTAIN ay lusot na sa Kamara ang panukalang magpapaluwag sa rice importation na tatapatan naman ng taripa.
Itinatakda ng panukala ang taripa na 35 porsiyento sa aangkating bigas sa mga bansang kasapi ng ASEAN, habang 40 porsiyento naman na taripa mula sa mga bansang hindi kabilang sa ASEAN.
Pinapayagan pa rin naman ang National Food Authority (NFA) na mag-angkat ng bigas pero para lamang ito sa pagtiyak ng food security at pag-maintain ng buffer stock na sapat para sa 15 araw.
Sa ilalim ng panukala ay lilikha rin ng rice competitiveness enhancement fund mula sa duties na makokolekta sa pag-angkat ng bigas. CONDE BATAC
Comments are closed.