ILOCOS NORTE – BILANG pagsuporta sa farm mechanization program ng Department of Agriculture (DA), tinuruan ng lokal na pamahalaan ng Solsona ang mga magsasaka na maging techie o maalam sa teknolohiya sa pagsasaka upang mas maraming maani na hindi kailangan ang maraming tao.
Katuwang ang Kubota Philippines Inc., ipinakita ang rice technology demonstration gamit ang mechanical transplanter na isinagawa sa dalawang ektaryang bukirin sa Sitio La Paz, Barangay Juan.
“This is to show to the farmers of Solsona the importance of farm mechanization in addressing the lack of labor force in farming and a way to lessen the labor cost which is a big burden to our farmers,” ayon kay Mayor Alexander Calucag.
Ang bayan ng Solsona ay isa sa top rice-producing municipalities sa bansa at mayroong sapat na patubig sa malaking bahagi ng lugar.
“With this initiative, we will be able to realize our three-year Agriculture and Fishery Strategic Plan, with farm mechanization as a very important component,” ayon naman kay Provincial Agriculturist Norma Lagmay.
Naniniwala si Lagmay na dahil sa rice tech, kahit kaunti lang ang farmer sa susunod na limang taon ay hindi naman maaapektuhan ang rice production,
Para naman kay Marneli Colobong, agricultural technologist ng Solsona government, masuwerte ang mga magsasaka sa lugar dahil suportado sila ng local chief executive sa usapin ng agriculture development. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.