RICH ASUNCION AT RUGBY PLAYER HUBBY, MAY SARILING FRANCHISE NG NAIL COCKTALES SA BGC

HULING napanood sa top-rating teleserye ng GMA-7 na “Ika-6 Utos” si Rich Asuncion na ikinasal entra eksenana last month sa Hong Kong sa kanyang fiance na si Benjamin Mundie na member ng Philippine Volcanoes.

Bago pa ikinasal si Rich ay nagtayo na sila ng business ng hubby rugby player at pinatatakbo ng Kapuso actress ang franchise nila ng Nail Cocktales Hand and Foot Spa na located sa Fort Bonifacio Global City, Taguig.

Sey pa ni Rich, before ay suki na talaga sila ng Nail Cocktales sa Tomas Morato at madalas niyang nakasasabay sa pagpapa-spa ay ang kapwa actress na si Yasmien Kurdi. Dahil nakita raw niya na magandang business ito ay agad niyang kinumbinsi si Benj na bumili ng franchise and in span of time ay dinudumog na raw ng customers.

Well, baka pinaghahandaan na ng mag-asawa ang kanilang future na hindi lang for them kundi sa magiging anak nila.

PRINCE OF JAZZ RICHARD MERK PABORITONG

PERFORMER SA PAGCOR CASINO FILIPINO

PALAWAK na nang palawak ang weekend musical trivia show ni Richard Merk na “Words & Music,” na naririnig tuwing Sabado 3:00 to 4:30 pm sa DWIZ, Todong Lakas at 882 sa AM Band. At ang mga guest artists ni Richard, sa show ay mga malalaking pangalan sa music industry gaya nina Dulce, Rachel Alejandro at lately lang naging panauhin nito ang beteranong rock singer at OPM icon na si Mike Hanopol. Maging ang international singer na nagpasikat globally ng hit song na “Because Of You,” na si Keith Martin ay nag-guest na sa Words & Music. Kaya malaki ang pasasalamat ni Chard, at pinagkatitiwalaan ng mga nabanggit ang kanyang programa na isa sa top-ratings weekend show sa DWIZ.

By the way, very indemand si Richard at isa siya sa local artist natin na paborito ng PAGCOR na mag-perform sa kanila. Narito ang lahat ng show schedules ng nasabing “Prince of Jazz,” July 12- Casino Filipino Ilocos Norte, August 10-CF Olongapo, Sept 5-CF Angeles, Oct 26-CF Manila Bay, Nov 30-CF Crown Cebu at sa December 10 ay mapapanood naman ang singer radio host sa Casino Filipino Talisay Cebu together with co-artists. This September naman ay naimbitahan si Merk, na mag-perform sa Phil-Japan Filipino Festival na gaganapin naman sa Tokyo, Japan.

CONCERT SERIES NG DABARKADS

FEATURING JOEY DE LEON UMANI NG PAPURI

VERY rare na mapanood na mag-concert si Joey de Leon, pero dahil sa concert series ng EB JOEY DE LEONDabarkads na kinabibila­ngan niya ang napapanood ngayon sa weekend concert ng Broadway Boys tuwing Sabado ay game na nakipagkantahan sa grupo ng mga talented na mga bata na produkto ng Lola’s Playlist.  At umani  ng pa­puri ang performance ni Tito Joey na maliban sa pagi­ging singer ay composer din na nakalikha ng maraming hits noong dekada 80 at hindi siya kinalawang dito dahil marami pa siyang nagawang novelty songs na pinasikat ng Sexbomb Girls at sa Eat Bulaga. Ang mga classic foreign hits ni Hollywood Icon na si Frank Sinatra ang kinanta ni Tito Joey at Broadway Boys tulad ng Fly Me To The Moon ni Frank Sinatra at New York.

Comments are closed.