FLATTERED si Richard Gomez kapag kanyang naaalalang siya ang unang celebrity endorser ng Bench at nakita niya ang history nang paglago nito.
Marami raw nag-attempt na i-avail ang kanyang services pero hindi siya pumayag dahil para sa kanya, relationship is of vital importance.
Sa kanyang acting career naman, part ng kanyang pinirmahang kontrata sa ABS-CBN ay ang paggawa niya ng isa pang teleserye at pelikulang kanilang pagsasamahan nina Dawn Zulueta at John Lloyd Cruz.
So far, nag-meeting na raw sila last week pero pinagbilinan siya ng production na huwag muna niyang i-divulge ang casting sa project.
On the other hand, nakakasama naman daw Richard ang asawa ni Dawn na si Davao del Norte Representative Anton Lagdameo sa congress.
Last election, he ran as mayor of Ormoc City but lost to his opponent. His wife Lucy won as congressman of Leyte.
Sa ngayon ang priority niya ay ang protektahan ‘yung posisyon ni Lucy.
Hinding-hindi raw maggi-give-up si Richard sa pagtulong sa mga kababayan nila ni Lucy sa Ormoc.
“Basta may clamor ang tao, walang problema run, e.”
But is he going to run for a political post next election?
“Basta, number one, I have to protect the position of Lucy. And, di ba, dinisqualify siya ng Supreme Court? E, ‘di parang first time pa lang niya ngayon.
“So, tatlo pa. For as long as may clamor ang tao…”
Ano ang kanyang natutunan sa pagtakbo niyang muli sa pulitika?
“The PCOS Machine is good, very good… except that it created another evil. The evil that PCOS Machine created was vote-buying, massive vote-buying.
“Kasi sa experience namin, mahirap magdaya sa PCOS. Hindi naman one hundred percent yun.
“Para manalo ka, kailangan talagang bumoto ng tao.
Unlike dati, daragdagan mo lang ng zero yung boto mo, ang laki na ng diperensiya.”
NABINGI SI VICE CHAKITAH
NABINGI at parang walang narinig si Vice Chakitah nang sabihin ni Vhong Navarro na second top-grosser ang kanyang chakang pwelikula sa nakaraang MMFF 2019.
Hindi pa rin talaga matanggap ng kalbong vakla na pangalawa na lang siya kay Aga Muhlach whose movie Miracle in Cell No. 7 is still raking in dough at the box-office. Hahahahaha!
Sad to say, habang pataas nang pataas ang kita ng movie ni Aga, parang naging stagnant na ang kita ng movie ni Vice Okra. Hahahaha!
Sa mga mall, habang dalawa o tatlo ang sinehang occupied ng movie ni Morning, isa na lang ang napunta sa ilusyunadang matandang bakla. Hahahahaha!
Ang nakaa-amuse, ang prediction nang nakararami ay baka raw pumangatlo o pang-apat na lang ang multong bakla sa box-office derby sometime next year. Harharharhar! Que pobrecita! Hahahaha!
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.