RICHARD GOMEZ: MGA TAGA ORMOC OVERWHELMING ANG SUPORTA KAY BBM 

SINABI ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na wala nang mas malakas pa na kandidato sa pagkapangulo sa kanilang lungsod kundi si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer at presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. lamang.

Sa panayam ng All Politics is Local ng OnePH, naitanong ng mga host na sina Sheryl Cosim at Jay Taruc kung sino sa mga kasalukuyang presidential candidate ang itinuturing na malakas sa kanilang probinsiya.

“Alam mo ang ginagawa ko rito Jay and Sherryl, pinupulsuhan ko iyong mga barangay na pinupuntahan namin and sinasabi ko presidential elections ngayon, gusto ko malaman kung sino ba ang gusto n’yo maging presidente. Iniisa-isa ko iyon. Si Isko, si Ping Lacson, si Pacquiao, si Leni at si BBM,” ani Goma.

“Talagang overwhelming ‘yung BBM, kapag sinabi ko itaas ang kanilang kamay kapag binanggit ko name ng mga kandidato, pero kapag sinabi mo iyong pangalang ‘BBM’ pati paa talagang itinataas eh,” sabi pa niya.

Si Goma ay tumatakbo ngayon sa pagka-kongresista ng 4th District kapalit ng maybahay na si Lucy Torres-Gomez na tumakbo naman ngayon bilang alkalde ng lungsod.

Una rito ay kapwa nagpahayag na ng kanilang matinding pagsuporta sa kandidatura ni BBM ang mag-asawa.

“I like BBM … Kaya nga nung one time I was interviewed kasi napansin ko andami na kapag hindi ka ‘dun aligned sa isang pulitiko, nagkakasiraan. Parang sa ating mga Pilipino napakapangit na nagsisiraan tayo o nagkakagulo tayo dahil sa mga pinipili natin na magiging President,” wika pa ni Gomez.

Nanawagan ito sa taumbayan na hindi na kailangang magsiraan at sa halip ay irespeto na ang kandidato ng bawat isa.

“Sinasabi ko kung mayroon kang napupusuan na isang presidente hindi mo kailangan manira ng ibang tao. Ikampanya mo ng mabuti ‘yung kaniddatong gusto mo kasi kami ganun din. Kung sino ang gusto namin. In my case, I like BBM, kinakampanya ko siya talaga rito dito sa 4th district at sa Leyte,” pagtatapos pa nito.

Sinabi ni Goma na hindi na rin niya pinapansin ang ibang bumabatikos sa kanya dahil sa pagsuporta kay Marcos.

Isa sa sinisilip sa kanya ng dilawan kung bakit nasan ang delicadeza nito, gayung noong taong 1985, siya pa ang naging lead actor ng pelikulang Iskapo na hango sa tunay na buhay ni Sergio Osmena – isa sa umano ay  pinahirapan noong panahon ng Martial Law.

“Wala namang kinalaman ang pelikula sa politics dito ngayon. Ginawa ko iyon as an artist pero ngayon ginagawa ko ito bilang isang pulitiko,” pagbibigay-diin pa ni Goma.