RICKY LEE SUPORTADO ANG ‘MGA BATANG POZ’

RICKY LEE

DUMALO ang multi-awarded scriptwriter na si Ricky Lee sa book launch ng “Mga Batang Poz” ni showbits & piecesSegundo Matias, Jr. o mas kilala bilang Jun Matias, sa mismong building ng author sa Quezon City.

Ang respetadong manunulat ng pelikula ay isa rin sa mga unang nag-review ng naturang libro.  Very proud si Ricky kay Jun dahil isa ito sa early participants sa kanyang Ricky Lee Scriptwriting Workshop na nagsimula noong 1982 (na since ay “free of charge”).

Sa ngayon, si Jun ang owner ng Lampara Books Publishing, publisher ng sikat na Precious Hearts Romance pocketbook novels, at iba pang mga libro na may iba’t ibang tema, pati na pambata.

Ani Ricky, karamihan sa mga naging “produkto” ng kanyang scriptwriting workshop ay sa pelikula, TV, o teatro ang napuntahan ng kanilang writing careers, bihira sa mga aklat.

“Sa libo-libong na­ging workshoppers ko mula pa noon hanggang ngayon, karamihan sa kanila, pumapasok sa pelikula, pero mas marami sa TV. Konting-konti lang ‘yung tumuloy sa pagsusulat ng libro. Isa doon sa kakaunting ‘yun si Jun Matias.

“Pareho naman silang nagmumulat, nagbibigay ng katotohanan, nakaaa­liw kung minsan. Pero mahirap mag-libro. Mahirap magsulat ng libro. Kaya hanga ako kay Jun.”

Isa naman si Jun sa pinalad na book author dahil ngayon nga ay owner ito ng isang giant publishing company — na ang ilan sa mga nobela ay naging teleserye na ng ABS-CBN, ang “Araw Gabi” at “Los Bastardos.”

Very timely ang tema ng “Mga Batang Poz” (short for “positive” sa sakit na HIV, na kapag lumala ay nagiging AIDS).

Katunayan, kabilang ang HIV sa mga sakit na pinakamabilis na kumakalat sa Filipinas, ayon sa datos ng Department of Health (DOH), bagamat napakadali na itong gamutin sa ngayon.

Ayon pa rin sa DOH, available na ang mga gamot para sa HIV at kaila­ngan lamang ang patient compliance para gumaling. Kaya mahalagang mabasa at malaman ng lahat lalo na ng mga kabataan ang tungkol sa sakit na ito mula sa mga librong katulad ng “Mga Batang Poz.”

YASMIEN KURDI BEST ACTRESS BILANG HIV PATIENT

YASMIEN KURDISAMANTALA, bilang HIV patient ang napagwagian ni Starstruck Princess Yasmien Kurdi sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” bilang best actress sa katatapos na Star Awards for Television mula sa Philippine Movie Press Club. Katulad ni Jun, nagkaroon din ng immersion among HIV patients si Yas kaya naman naging makatotohanan ang pagganap nito.

Nagsakripisyo rin ito sa pagpapayat upang maging akma sa katauhan ng HIV carrier. Sa awards night na ginanap sa Henry Lee Irvin Theater sa Ateneo University ay halos hum­pak pa ang mukha ni Yas na sanhi ng diet para sa naturang role na nabigyan naman niya ng buong husay at nagbigay ng kauna-unahang acting trophy  para sa kanya.

Naging mahigpit na katunggali ni Yas sa  acting award is Glaiza de Castro na buong husay rin sa pagganap bilang si “Contessa.” Ang dalawang teleserye ay pawang inabangan  sa afternoon drama ng Kapuso station.

Mapano­nood ang 32nd  PMPC Star Awards for TV sa Oktubre 28 mula sa produksiyon  ng Airtime Marketing Philippines ni Ms. Tess Celestino-Howard sa direksiyon ni Bert de Leon, sa ABS-CBN’s “Sunday’s Best.”

Comments are closed.