TILA ayaw pa ring tantanan ng mga bakla ang ipinaglalaban nilang usapin na SOGIE bill. Lalong lumakas ang loob ng mga kabaklaan nang pati si Vice Ganda ay sumang-ayon at ipagtanggol ang kapwa niya bakla.
Ang tanong ng mga karamihang Pinoy ay kung bakit hindi matanggap ni Vice at mga kasamahan nitong bakla na hindi puwedeng maging tunay na babae ang isang bakla.
At isa nga sa hindi na nakapagpigil na tarayan ang mga bakla para magbigay ng kanyang saloobin ay si Mother Ricky Reyes.
May video na kumakalat si Mother Ricky na tila sinesermunan nito ang mga bakla na hindi marunong lumugar sa dapat kalagyan.
“Ang lagi kong sinasabi, ang bakla, walang makaiintindi kundi kapwa bakla lang. Kung ikaw ay may nota, sa lalaki ka. Kung ikaw ay may kipay, sa babae ka. Finish!” paliwanag ni Mother Ricky kung saan dapat mag-CR base sa gender.
“Nirerespeto kita bilang tao, nirerespeto kita bilang bading, pero lumugar tayo sa tamang lugar.
“Kasi ang bakla, maski operada na, maski may kipay na, may boobs na, bakla pa rin ang utak.
“May gay community naman tayo. Bakit kailangan pa nating pumunta sa kung ano-ano? May gay pageant naman tayo. Bakit tayo pupunta sa mga bar, ipagpipilitan mo na girl ka, eh may gay bar naman? Di ba? Doon ka sa lugar natin,” ang opinion ng itinuturing na gay icon ng industriya.
“Ang bakla ay bakla. Gilingin mo man ‘yan, ang labas niyan, baklang hamburger!” pagtatapos ni Mother Ricky Reyes.
Maging sa same-sex marriage ay hindi rin pabor si Mother Ricky, pero naniniwala siyang dapat irespeto ang relihiyon.
Ano kaya ang maging reaction ni Vice Ganda sa naging pahayag ni Mother Ricky Reyes na ang bakla ay bakla.
THE CLASH SEASON 2 MAS PINATINDI ANG LABAN
KUNG sa Season 1 ng The Clash ay isa lang ang sumisigaw ng “The Clash!” isa laban sa lahat, lahat laban sa isa! Ito ang pinasikat ni Regine Velasquez nang siya ay host ng nasabing singing contest sa GMA 7.
Sa Season 2 ng singing contest ay sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose na ang sisigaw ng “The Clash!”
“Kasi Season 2 kaya dalawa na kami! Kaya kailangan mas matindi!” say ni Julie Anne nang makausap sa grand presscon ng The Clash, Season 2.
Pero hindi matanggap ni Julie Anne na siya ang ipinalit kay Regine Velasquez sa pag-alis ng singer/actress sa GMA 7.
“Hindi ko po iniisip `yon. Wala naman pong kailangang palitan. Hindi ko po naisip like hindi ko dapat palitan or walang dapat palitan. Hindi dapat palitan si Ate.
“She`s one of the main reasons kung bakit naging successful ang “The Clash” kaya ako po, naniniwalang hindi, I don’t have to fill anyone`s shoes,” paliwanag ni Julie Anne.
“Inuulit ko, walang kailangang dapat palitan. We just have to deliver and we promise to do our best!” pahayag ng Asia`s Singing Sweetheart.
Sina Ken Chan at Rita Daniela naman ang tatayong Journey Hosts na siyang haharap sa mga contestant backstage para alamin ang mga naging karanasan ng mga ito bago napasok o nakapasok sa The Clash.
Binubuo naman nina Lani Misalucha, Christian Bautista at Ai Ai delas Alas ang hurado ng The Clash, Season 2, na magsisimula sa Sabado (Sept 21), pagkatapos ng Daddy`s Girl at tuwing Linggo pagkatapos naman ng Daig Kayo ng Lola Ko.
Comments are closed.