RICO J. PUNO GUSTO NA SANANG MAGRETIRO

NAPAKA-ACTIVE pa rin ng legendary singer at Total Entertainer na si Rico J. Puno both in showbiz andreflection politics sa kabila ng kalagayan ng kanyang puso. He just filed his Certificate of Candidacy sa Comelec para sa pagtakbo niya bilang Konsehal sa District 1 ng Makati City.

Habang tatlong programa sa ABS-CBN ang nila­labasan ni Rico J. kabilang na sa serye ni Coco Martin na “Ang Probinsyano.” Plus, ang kaliwa’t kanang show/concert.

“Pero alam mo, nu’ng may eksena ako na bubugbugin ako sa ‘Ang Probinsyano,’ dinala ako noon sa ospital. At sabi ng doktor ko, tumigil na raw ako. Kaya hayun, nawala ako sa show.  Ayaw na ng doktor ko,” kuwento ni Rico J.

Hindi na rin siya masyadong napanonood sa sitcom na “Home Sweetie Home.” And until now, ‘di niya alam kung ano na ang mangyayari sa karakter niya roon—kung babalik pa siya o hindi na.

Personally, ‘di niya type ang ini-establish na kuwento sa HSH between Piolo and Toni. Sana raw hayaan na lang na walang partner si Toni sa show kesa maging sila ni Piolo.

Then, we asked him na baka tsutsugihin na ang HSH at palitan na lang ng bagong sitcom ng ABS-CBN.  May balita kasi pag­lipat ni Regine Velasquez sa Kapamilya network na gagawa siya ng sitcom with her hubby na si Ogie Alcasid.

Puwede raw mangyari pero wala pa raw siyang ideya.

May malaking concert naman si Rico J kasama sina Marissa Sanchez at Giselle Sanchez with special guest na si Tosca Puno titled “Music and Laughter: Sana Tatlo ang Puso Ko” na gaganapin sa The Theater at Solaire Resort and Casino on November 23.

Plano sana ni Rico J. na i-announce na magre-retire na siya during his concert sa Solaire, “Pero marami pa ang gusto na magpatuloy ako at saka parang ‘yun ang gusto sa akin ng Diyos, e. ‘Yung magsilbi pa rin ako sa tao at mapasaya sila at the same time. Kaya siguro hinahayaan pa rin niya ako’ng mabuhay kahit may pacemaker na ako sa puso ko,” sabi pa niya.

HAPI ANG BUHAY MAY INSPIRASYON AT KAPUPULUTAN NG ARAL

HAPI ANG BUHAYMALAKAS maka-good vibes ng “Hapi ang Buhay The Musical” movie produced by EBC Films na napanood naming sa SM Megamall kamakailan. Hango mula sa hit comedy TV series na Hapi ang Buhay ang “Hapi ang Buhay The Musical” na dinirek ni Carlo Ortega Cuevas.

Si Direk Carlo ay tinanghal na Best Director in Foreign Language Film sa kanyang movie na “Wang Take Two” sa International Filmmaker Film Festival of World Cinema sa London at sa World Film Awads sa Jakarta, Indonesia for Best Newcomer Filmmaker of the Year.

Ang huling pelikula niya ay ang “Guerrero” na  nanalo naman as Best Feature Comedy Film sa Amsterdam International Film Festival at Best Editing in Foreign Language Film sa Madrid International Film Festival this year.

Ang “Hapi ang Buhay The Musical” ay ang pa­ngalawang pelikulang binuo ng EBC Films sa kanilang misyon na makabuo ng ga pelikulang magbibigay inspirasyon at kapupulutan ng aral.

Comments are closed.