RIDER BULAGTA NANG SUMALPOK SA SUV

aksidente

QUEZON CITY – KAMATAYAN ang sinapit ng isang 40-anyos na lalaki nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa sinusundang sports utility vehicle (SUV) dahilan para mahulog ang biktima mula sa pagkakaangkas at masagasaan sa ulo ng paparating na pampasaherong jeep sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktima na si Virgilio Balsomo Jr., machine operator, may asawa, at residente ng Richland, Brgy. Talipapa, Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6:20 ng gabi noong Lunes nang maganap ang aksidente sa Mindanao Ave., malapit sa kanto ng Sauyo Road, Brgy. Talipapa.

Kasalukuyan ng tinutugis ng mga awtoridad ang kasama ng biktima na driver ng Suzuki Motorcycle (NC-87407) na si Jorill Gobres, alyas ‘Buddy’.

Samantala, nasa kustodiya na ng QCPD District Traffic Enforcement Unit-Traffic Sector 6 ang mga nakasagasa sa biktima na sina Mark Jason Valdez, 22–anyos, driver ng pampasaherong jeep (THJ-841), naninirahan sa Sitio Kabuhayan, Valenzuela City, at si Danilo Tanael, 47-anyos, driver ng Toyota Hi-Ace Van (WSF-3471. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.