ILOCOS SUR- PATAY ang isang motorcycle rider nang sumalpok sa isang van matapos tangkaig mag-overtake sa isang truck na nakadisgrasya sa kaniya sa Candon City.
Sa kuha ng CCTV sa lugar, makikita ang pagdaan ng truck at kasunod ang motorsiklo ng biktima.
Ayon sa pulisya, nag-overtake ang motorsiklo sa truck pero may nakasalubong siyang delivery van sa kabilang linya ng kalsada.
Nagtangkang bumalik ang rider sa dati niyang linya ng kalsada pero tumama siya sa hulihang bahagi ng van.
Sa kasamaang palad, natumba ang rider sa gilid ng truck na tinangka niyang unahan. Doon na nakaladkad ng ilang metro ang biktima.
Sinabi ni Police Lieutenant Randy Arellano, hepe ng Candon City Police, wala umanong helmet at medyo nakainom ng alak ang biktima nang mangyari ang insidente.