RIDER NA WALANG FACE MASK LUMABAG PA SA CURFEW HULI

BULACAN-Isang rider na lumabag sa pinaiiral na IATF guidelines ang dinakip ng nagpapatrulyang operatiba ng Meycauayan City police makaraang masita ito ng awtoridad dahil walang suot na face mask at lumabag sa curfew habang lulan ng kanyang motorsiklo at makumpiskahan ng droga sa Barangay Malhacan,Meycauayan City lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Base sa report kay P/Col.Lawrence Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP, nakilala ang naarestong si Ed Valledo, ,30-anyos ng Brgy. Lawa na nakadetine ngayon dahil sa paglabag sa health protocol at pinaiiral na curfew at makumpiskahan ng shabu sa kanyang posesyon.

Nabatid na dakong alas 11:45 ng gabi nitong martes nang matimbog ang suspek na si Valledo habang lulan ng kanyang motorsiklo at bumabagtas sa kahabaan ng Sitio Bulac,Barangay Malhacan,Meycauayan City nang matiyempuhan ng nagpapatrulyang awtoridad kaya pinahinto ito dahil walang suot na face mask.

Nang sitahin ng awtoridad ang suspek na kahina-hinala ang kilos at walang suot na face mask at lumabag sa curfew ay dito na pinabuksan ang compartment ng motorsiklo nito at makita ang isang mallit na box at nang pabuksan ng awtoridad kung ano ang laman nito ay tumambad ang pitong pakete ng shabu kaya kaagad itong inimbentaryo sa harap ng Barangay official at kinatawan mula sa DOJ at media at nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang suspek. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.