RIDER NIRATRAT SA HIGHWAY

QUEZON- DEAD on the spot ang isang lalaking sakay ng motorsiklo matapos na pagbabarilin ng mga nakasakay sa isa kotse sa bayan ng Infanta.

Base sa report ng Infanta PNP, nangyari ng insidente sa national highway sa Brgy. Pilaway dakong alas-7 ng umaga.

Batay sa imbestigasyon, galing sa kanyang bahay ang biktimang si Manuelito Batawan Junio, 41-anyos ng Barangay Anoling, General Nakar, sakay ng motorsiklo at patungo sa Infanta town proper nang buntutan ng kulay itim na kotse ng mga salarin.

Nang makatiyempo sinabayan ng kotse ang motoriklo at saka pinagbabaril ang biktima.

Tinamaan ito sa ibat-ibang bahagi ng katawan at hindi na naisugod sa ospital dahil agadbinawian na ng buhay sa crime scene.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin at tinahak ang direksyon patungo sa bayan ng Real.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang motibo.

Nangangalap na rin ng kuha ng CCTV para matukoy ang nagmamay-ari ng sasakyan at ang pagkakakilanlan sa mga salarin. BONG RIVERA