RIDER SUMEMPLANG SA BUS | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
ROAD ACCIDENT-1

RIDER SUMEMPLANG SA BUS

CALOOCAN CITY – PATAY ang isang rider matapos mabangga ng isang pampasaherong bus ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa ng tanghali.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Merwen Mataac, 26, residente ng Malibago, Torrijos, Marinduque.

Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng UD Bus (ABG-5602) na nakilalang si Rogelio Feria, 68, ng No. 31 Nangka Road, Malabon City.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:53 ng tanghali nang maganap ang insidente sa Intersection ng 6th Avenue at Boni Serrano St., Brgy. 112.

Nabatid na minamaneho ng biktima ang Honda motorcycle (4510-UW) habang binabagtas ang kahabaan ng 6th Avenue patungong 6th Street samantalang tinatahak naman ng pampasaherong bus na minamaneho ni Feria ang kahabaan ng B. Serrano St., patungong EDSA.

Pagsapit sa naturang Intersection ay nabangga ng bus ang motorsiklo na naging dahilan upang bumagsak ito sa semintadong kalsada kasama ang biktima na mabilis na isinugod ng Caloocan City Rescue Ambulance sa naturang pagamutan habang sumuko naman sa pulisya si Feria.     EVELYN GARCIA

0

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS