RIDER TIKLO SA SHABU

KULUNGAN ang bagsak ng isang rider matapos mabisto sa dalang ilegal na droga makaraang tumanggi sa isinasagawang check point at Oplan Sita sa Valenzuela city.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act at Art 151 ang naarestong suspek na si Glenn Santos, 28-anyos ng 55 Reyes Compd, Brgy. Marulas.

Sa report ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator SSg Carlos Erasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong alas-12 ng hating gabi ay nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Police Sub-Staion 3 sa pamumuno ni Major Joebie Astucia sa kahabaan ng Magsaysay St. Brgy. Marulas nang parahin ni SSg Salvador Estaris Jr. ang suspek na sakay ng isang itim na Mio motorcycle na may plakang 8926XV.

Tumangging makipagtulungan at pumalag pa ang suspek kaya’t agad itong inaresto at nang kapkapan ni Cpl Reynold Panao ay nakuha rito ang isang coin purse na naglalaman ng apat na plastic sachets ng shabu na tinatayang nasa P3,400 ang halaga.

Bukod dito, natuklasan din ng mga pulis na walang drivers license ang suspek. VICK TANES

Comments are closed.