RIDER TODAS SA CHECKPOINT

BULACAN- NAPATAY ang isang rider makaraang manlaban sa awtoridad nang bumunot ito ng baril at magpaputok sa halip na huminto sa checkpoint sa Barangay Kaypian,San Jose del Monte City nitong lunes ng madaling araw sa nasabing lalawigan.

Base sa report kay P/Brig.Gen.Valeriano T. De Leon,Regional Director ng Police Regional Office 3(PRO3), nasawi ang rider na inaalam pa ang pagkakakilanlan na nagtamo ng tamang bala sa kayang katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw kahapon nang magsagawa ng checkpoint ang Regional Mobile Force Battalion sa pangunguna ni Force Commander Lt.Col. Fitz Macariola sa Barangay Kaypian,San Jose del Monte City.

Nabatid na pinara ng awtoridad ang suspek na nakasakay sa Honda Beat motorcycle at nakasuot ng yellow cap at face mask ngunit walang helmet, sa halip na huminto sa check-point ay agad na bumunot ito ng baril at pinaputukan ang awtoridad.

Dito na napilitang gumanti ang mga pulis kaya napatay ang suspek at marekober sa kanya ang isang caliber 38. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.