BATANGAS-DEAD on arrival sa pagamutan ang isang 36- anyos na rider makaraang sumalpok sa isang pampasaherong jeep ang minamaneho nitong Honda click 150 cc sa kahabaan ng J.P.Laurel highway, Barangay San Roque, Sto Tomas city kahapon ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nel Anthony Coronel, may-asawa at isa umanong company supervisor.
Sa imbestigasyon ng Sto.Tomas traffic bureau, nawalan umano ng panimbang si Coronel nang mapagawi ang kaniyang motor sa isang madulas at basang bahagi ng highway kung kaya’t hindi umano nito namalayan ang papasalubong na jeep na minamaneho ng isang nag- ngangalang Marblend Regana.
Sa lakas ng pagkabundol ay tumalsik ang biktima ng ilang metro kasabay ng nahating bahagi ng motor.
Naisugod pa sa pagamutan si Coronel subalit hindi na ito naisalba pa ng mga doktor.
Reckless imprudence resulting to homicide ang nakatakdang ikaso laban kay Regana.
ARMAN CAMBE