RIDING IN TANDEM TIKLO SA OPLAN SITA

OPLAN SITA

BULACAN- BIGONG makatakas sa inilatag na oplan sita ng PNP sa Brgy, Burol 1st sa bayan ng Balagtas ang riding in tandem makaraang makabanggan nito ang isang tricycle.

Ganap na ala-5:45 ng umaga nitong araw ng Undas nang masukol ang mga suspek.

Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director Col.Relly Arnedo, kinilala ang mga suspek na sina Alexis Paelma y Contreras, 33-anyos ng Brgy. Gaya-Gaya, San Jose del Monte City at Patrick Correa y Pasion, 43-anyos ng Brgy. 46, Tondo, Manila.

Nabatid na una nang na flagged down nina Pat. Dan Emil Reyes at Pat. Paul Adam Dela Rosa ang mga suspek na kapwa lulan ng yamaha Mio Motorcycle na kulay itim na may plakang NFV-434.

Pilit na tinakasan ng mga suspek ang Oplan Sita na dahilan para mabangga ang isang tricycle na naging sanhi ng pagkahulog ng isa sa mga suspek sa motor.

Dahil sa pangyayari nakita ng mga pulis ang isang cal.45 pistol na may serial no.705814 na puno ng bala, habang nakumpiska rin kay Paelma, ang isang caliber 38 na baril.

Lumitaw sin sa imbestigasyon na may nauna na rin kaso si Alexis sa bayan ng San Rafael.

Detenido ngayon ang mga suspek sa Balagtas municipal Jail sa kasong paglabag Omnibus Election code at illegal possession of firearms and ammunition. THONY ARCENAL