RIDING IN TANDEM UTAS SA OPLAN SITA

LAGUNA – DALAWA sa tatlong riding in tandem criminals ang nasawi samantalang nakatakas ang isa makaraang makipag-engkuwentre sa mga kagawad ng Highway Patrol Group (HPG4A) at Binan PNP SWAT Team sa bahagi ng Langkiwa Service Road, Bgy. Langkiwa, lungsod na ito.

Ayon kay PLt. Col. Giovanni Martinez, hepe ng pulisya, bandang alas-3:25 Huwebes ng madaling araw habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga operatiba sa mga suspek at nanlaban ang mga ito.

Dahil dito, nakipagpalitan ng putok ang mga awtoridad sa dalawang hindi pa nakikilalang armadong lalaki na ikinasawi g mga ito habang ang tsuper ng sinasakyan nilang motorsiklo ay mabilis na nakatakas.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang kalibre 45 baril habang patuloy na inaalam ng mga ito ang posibleng pagkaka­kilanlan sa napatay na mga suspek. DICK GARAY

Comments are closed.