‘RIGHT-OF-WAY PAYMENTS’ SA INFRA PROJECTS BUBUHUSAN NG P27-B PONDO

Infrastructure Projects

UPANG masiguro na walang magiging aberya ang pagpapagawa ng iba’t ibang proyekto sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program ng Duterte administration, aabot sa P27 bilyon ang ilalaang budget para sa ‘right-of-way payments’ sa susunod na taon.

Ito ang ipinabatid ni Deputy Speaker at Surigao del Sur  Second District Rep. Johnny Pimentel base sa nilalaman ng panukalang  National Expenditure Program for 2021, kung saan ang Department of Transportation (DOTr) ay nasa P14.8 bilyon at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) naman ay P12.6 bilyon ang pondo para sa ROW acquisition ng mga bagong infra project ng mga ito.

“The DOTr’s ROW outlay is meant to set in motion new rail and maritime transport projects, including the North-South Commuter Railway, the Philippine National Railways’ South Long Haul and the New Cebu International Container Port,” sabi pa ng ranking Mindanaoan solon.

“In the case of the DPWH, the ROW expenses are meant to clear the way for the construction of new expressways, flyovers, bridges and flood control projects,” dagdag niya.

Paliwanag ni Pimentel, sa ilalim ng batas, ang dalawang nabanggit na ahensiya ay inaatasang tuparin muna ang obligasyon nito sa pagbabayad ng ROW bago simulan ang konstruksiyon ng kanilang proyekto.

“ROW expenses are authorized under Republic Act 10752 – An Act Facilitating the Acquisition of ROW Site or Location for National Government Infrastructure Projects. Under the law, the national government may acquire private real property needed as ROW site or location for any project,” ayon sa mambabatas

Ang pagkuha ng pamahalaan ng right-of-way sa isang pribadong ari-arian ay maaaring gawin sa pamamagitan ng donation, negotiated sale, expropriation, at iba pa.

Samantala, napag-alaman din kay Pimentel na ang nasabing ROW payment budgets ng DOTr at DPWH para sa 2021 ay mas mataas ng 34 percent, o katumbas ng halagang P6.9 billion, kumpara sa P20.5 bilyon na pondo nito ngayong taon.        ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.