RIGHTSIZING BILL IPASA MUNA BAGO BUMUO NG BAGONG DEPARTAMENTO

Senate President Vicente Sotto III

TAHASANG sinabi ni Senate President Vicente C. Sotto III na dapat ipasa muna ang rightsizing bill bago bumuo ng isang bagong departamento.

Sa inihain ni Sotto na Senate Bill no. 244 o ang panukalang “Rightsizing the National Government Act,” layon nito na i-streamline ang operations, systems at processes ng mga tanggapan ng pamahalaan upang malaman kung ilang kawani o emple­yado ang kinakailangan sa isang tanggapan.

Naniniwala si Sotto na ang dapat na itatalaga sa  isang tanggapan ay naaa­yon sa “skills at competencies” upang epektibong ma­gampanan ang nakaatang na posisyon at gawain.

Gayundin, anang senador, simplehan ang operasyon ng isang ahensiya upang masiguro na maidedeliber ng maayos ang serbisyong kinakailangang ipatupad sa mga programa at proyekto ng pamahalaan.

Iginiit ni Sotto, umaabot sa 1.5 milyong kawani ang nakatalaga sa may 186 departments, agencies at iba pang offices ng pamahalaan na kinakailangang i-reorganize dahil sa “redundant government agencies” na kung saan ay maaring makatipid ang gob­yerno ng mahigit P1 trilyon  sa taunang budget nito.

“These figures have tremendously increased over the  years without properly managing its proper size in the workforce that led to duplications in functions and redundancy in the position,” diin ng senador.

Tinukoy nito, 65% ng national budget ay nakalaan para sa personnel services, samantalang ang natitirang 35% ang sumasaklaw sa expenses para sa government projects at services.

Nilinaw pa ni Sotto, ang konsepto ng nasabing panukala ay bilang tugon sa panawagan ng administras­yon na dapat ang operasyon ng pamahalaan ay may sapat na panggastos at may epektibong kawani.

Ang pagsusulong ng senador sa naturang panukala ay dulot na rin ng napakaraming departamentong nais buuin sa pamahalaan. VICKY CERVALES

Comments are closed.