RIGHTSIZING SA PNP IPATUTUPAD

KASABAY ng pagkasa ng kanyang agenda na Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan at Kaularan (MKKK), tatalima rin ang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) na si General Rodolfo Azurin Jr. sa isinusulong na rightsizing ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ito ay imbentaryo ng kanyang mga tauhan sa iba’t ibang yunit.

Gaya ng paliwanag ni PBBM kaugnay sa rightsi­zing ay pag-alis sa hindi na kailangang mga tanggapan sa halip ay maiiwan lamang ang karapat-dapat at kaila­ngan.

Sa panig naman ng PNP, mga tauhan ang titignan at upang mabigyan din ng tiyansa na magamit ang kanilang kaalaman habang nasa serbisyo.

Pinawi rin ni Azurin ang pangambang downsi­zing kundi pipili ng karapat-dapat sa posisyon o tanggapan at aalamin kung ilang tauhan ang kailangan sa isang tanggapan ng PNP.

‘We need to identify ilan ba talaga ang kaila­ngang tauhan,” ayon kay Azurin.

Sa ngayon, ang ratio ng pulis para sa pagbibigay ng proteksyon ay 1 is to 500, habang ang kabuang bilang sa ngayon ng police force ay mahigit 226,000.

Samantala, isa sa sentro ng panungkulan ni Azurin ay matiyak ang ligtas na kalsada at ng buong komunidad.

Habang paiigtingin din ang paglaban sa illegal na droga.

Aniya, ito ang magi­ging unang marching order sa mga police commanders.

At upang magtagumpay ang pagsugpo sa droga, makikipag-ugnayan si Azu­rin sa mga simbahan at lider ng religios groups para tulungan sila na resolbahin ang problema sa droga. EUNICE CELARIO