RIGODON PA SA EASTERN POLICE DISTRICT

eastern police district

CAMP CRAME – NAGPAPATULOY ang balasahan sa hanay ng Philippine National Police (PNP) at epektibo kahapon ay umupo na bilang bagong District Director ng Eastern Police District ng NCRPO si Police Brig Nolasco Bathan.

Kasunod ito ng pagkakasibak sa puwesto kay Police Brig Gen Christopher Tambungan matapos na ireklamo ng pananakit ng kanyang tauhang babaeng pulis.

Kahapon ay umupo na rin bilang Acting Deputy Regional Director for Administration ng PRO11 si PCol Domingo S. Cabillan. Si PCol Florendo C. Quibuyen  naman ay uupo bilang Acting Executive Officer, Directorate for Research and Development ng PNP.

Habang si PMGen Lyndon G. Cubos, ay mauupo bilang Director for Personnel and Records Ma­nagement. Sinabi ni Police Col Banac na ini­lagay sa bagong puwesto ang senior officials na ito base sa kanilang merit and performance at batay na rin sa rekomendasyon ng PNP Se­nior Officers Promotion and Placement Board. REA SARMIENTO/V. RUIZ

2 thoughts on “RIGODON PA SA EASTERN POLICE DISTRICT”

  1. 272546 457645I discovered your blog website on google and examine a number of of your early posts. Continue to maintain up the superb operate. I basically extra up your RSS feed to my MSN News Reader. In search of forward to reading a lot more from you later on! 485573

Comments are closed.