ILANG matataas na opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang ni-reshuffled bilang bahagi ng professional advancement at mapabuti ang serbisyo ng mananakay.
Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, mahigit sa 20 immigration supervisors at intelligence officers na naka-assigned sa 3 terminal sa NAIA ang apektado sa naganap na reshuffled kung saan inilipat sa ibang terminal .
Sinabi ni Medina na ang ginawang paglilipat ay inisyu ni BI Commissioner Jaime Morente noon pang linggo matapos na apru-bahan ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang kahilingan sa ban exemption sa paglilipat ng empleyado sa panahon ng eleksiyon.
Ayon pa kay Medina, hiniling nito ang reshuffle kay Morente, “To give the affected officials the chance to assume new job functions and responsibilities that will foster their career advancement and develop their capabilities as border control officers of the country.”
Kabilang sa naapektuhan ng pagbabago ay ang Chief of the Airport Operations Section, Port Operations Division Deputy Heads, BI NAIA Terminal Supervisor, Head of the BI’s Border Control and Intelligence Unit, at miyembro ng BI’s Special Oper-ations and Communications Unit.
Sinabi naman ni Morente na ang routine reshuffle ay bahagi ng polisiya para maiwasan ang pagkakakilala at korupsiyon.
“The top officers managing the BI personnel at the airports are not exempt from this policy,” ayon kay Morente. “Apart from reshuffling our frontline officers, we also have a rotation system for heads to encourage fresh ideas on how to improve terminal management,” dagdag pa nito. PAUL ROLDAN
Comments are closed.