RIGODON SA PNP KEY OFFICERS SA AGOSTO NA

CAMP CRAME

CAMP CRAME – MAY ikakasa pa ring reshuffle sa hanay ng Philippine National Police (PNP) sa mga susunod na buwan.

Ayon kay PNP Chief, General Oscar Albayalde, sa darating na  buwan ng Agosto at Setyembre ay may mangyayaring balasahan sa PNP lalo na sa mga key officer katulad ng PNP Regional Directors.

Noong Hunyo huling nagkaroon ng rigodon sa mga key officer ng PNP matapos na magretiro si Brigadier Gen. John Bulalacao bilang Regional Director ng PNP Region 6.

Pumalit sa kanyang puwesto si PBGen Rene Pamuspusan na da­ting director ng Headquarters Support Service.

Umupo naman bilang bagong director ng Headquarters Support Service si PBGen Jesus D. Cambay Jr.

Si PCol Remus Zacharias Canieso  naman ay naupo bilang Acting Deputy Regional Director for Administration ng PNP Region 6.

Sinabi ni Albayalde, ang promosyon at reshuffle sa PNP ay nakabatay sa patuloy na validation ng performance ng mga key offi­cers lalo na sa level ng performance ng mga provincial director. REA SARMIENTO

One thought on “RIGODON SA PNP KEY OFFICERS SA AGOSTO NA”

  1. 793253 826060Thank you for your really excellent details and respond to you. I want to verify with you here. Which isnt 1 thing I often do! I get pleasure from reading a publish that can make individuals feel. Furthermore, thanks for allowing me to remark! 290620

Comments are closed.