RIGODON SA PNP MULING IPINATUPAD NI ACORDA

MAKARAAN ang kumpirmasyon ng halos apat na buwang extension sa termino ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. nagpatupad ito ng reshuffle sa ilang opisyal ng organisasyon.

Sa inilabas na General Orders na aprubado ni Acorda at pirmado ni Directorate for Personnel and Records Management Chief MGen. Robert Rodriguez kabilang sa nalipat ng puwesto si BGen. Andre Dizon bilang Acting Director ng Police Regional Office 5 o Bicol PNP.

Pinalitan ni Dizon si BGen. Westrimundo Obinque na itinalaga naman bilang Acting Chief ng Directorate for Research and Development.

Samantala, papalit naman kay Dizon sa PNP Retirement and Benefits Administration Service si Col. Leon Victor Rosete.

Epektibo ang reshuffle simula sa Lunes kung saan tiwala si Acorda na magagampanan ng mga opisyal ang kanilang tungkulin.
EUNICE CELARIO