CAMP CRAME – IPINATUPAD kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Oscar Albayalde ang reshuffle sa kanyang mga opisyal na una niyang inanunsiyo sa Monday regular press conference.
Itinalaga bilang acting regional director ng Police Regional Office-9 si Brigadier General Froilan Flores Quidilla na dating nakatalaga sa PRO-4B.
Nailipat din sa puwesto si Police Brigadier Gen. Marni Marcos Jr. na ngayon ay uupo na bilang Acting Regional Director, PRO Autonomous Region in Muslim Mindanao na mula sa PNP Anti-Cyber Crime Group.
Mula sa PRO-ARMM nailipat naman bilang acting director ng PNP Anti-Cyber Crime Group si Police B. Gen. Graciano Mijares.
Apektado rin ng balasahan si P.B. Gen Emmanuel Luis Delgado Licup na dating nakatalaga sa PRO-9 at ngayon ay uupo na bilang acting deputy director ng Directorate Personnel Records and Management (DPRM).
Mula naman sa PNP Engineering Service nailipat bilang Acting Deputy Regional Director For Administration ng PRO-4B si Police Colonel Nelson Bermudez Bondoc. EUNICE C.
Comments are closed.