RIGODON SA SC

KASUNOD  ng pagkakatalaga kay Justice Maria Filomena Singh bilang bagong mahistraso ng Korte Suprema, nagsagawa ng rigodon sa tatlong dibisyon sa Mataas na Hukuman.

Bukod pa rito ay dahilan din ng rigodon ay ang pagreretiro ni Justice Estela Perlas-Bernabe.

Sa special order 2901 na pinirmahan ni Senior Associate Justice at Acting Chief Justice Marvic Leonen, itinalagang bagong kasapi ng 3rd division si Justice Singh.

Aakto namang working chair ng First Division si Justice Ramon Paul Hernando habang Second Division si Leonen.

Ang tatayong chairperson ng Third Division ay si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa. Beth C