RISK CONTROL SYSTEM PARA SA PHILHEALTH

Rep Johnny Pimentel-2.jpg

INIREKOMENDA ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa PhilHealth na magkaroon ng sistema na pipigil at sasawata sa mga scammer.

Babala ni Pimentel, hindi maiiwasan na maging target ng mga scammer ang PhilHealth dahil bukod sa maluwag ang ahensiya ay alam ng mga kawatan kung paano makukuhaan ito ng pera.

At dahil sanay gumawa ng katiwalian, posibleng ang mga scammer ng PhilHealth ay maaaring sampung beses na nakakapandaya rin sa pagbabayad ng kanilang mga buwis.

Giit ni Pimentel, dapat maglatag ng risk control system ang PhilHealth laban sa anumang uri ng bogus claims.

Pinakikilos din ng mambabatas ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na tugisin ang mga scammer at imbestigahan ang mga kaduda-dudang claims.

Ang Kamara ay nagbigay ng P67.4 Billion na pondo ngayong taon para sa National Health Insurance Pro27gram.    CONDE BATAC

Comments are closed.